Thursday, 31 October 2013

ARALIN 2: Sipi mula sa "Tutubi Tutubi 'Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe" ni Jun Cruz Reyes




 

Ang kwentong ito ay mula sa mga pahinang 140-143 ng isa sa mga likha ni Pedro Cruz Reyes Jr. na Tutubi Tutubi ‘Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe.


          Katulad ng ilang mga komiks at satira o satiriko, itoy nagpapahayag ng katotohanan o opinyon o suhestiyon tungkol sa mga isyu na napapanahon at kinakaharap ng bansa. Sa siping ito, isang bata ang nagsasalita tungkol sa pagmamaliit ng mga nakatatanda sa kanya na para bang, sila ay perpekto.

Kung ang Pugad Baboy, ay parang editoryal kartun, ito naman ay ang parang editoryal nito. 


                          
Ang tema ng nobela ay ang mga unang araw ng batas militar. Inilahad sa nobela ang mga nangyari sa panahon ng batas militar.
Para sa higit na detalye gaya ng buod nito at ang buong tema ng nobelang ito, maaaring bisitahin ang link na ito http://blognikuyakevin.blogspot.com/2010/03/tutubi-tutubi-huwag-kang-magpapahuli-sa.html

KABULUHAN SA KASALUKUYANG PANAHON

Maski si Reyes sa kanyang paunang salita ay nagtatanong kung ano bang magiging kabuluhan ng kanyang nobela sa kasalukuyang panahon ngayong wala nang batas militar. Bilang isang bahagi ng panitikan dapat talaga'y hindi lang pang-martial law ang itatagal ng akda. Hindi naman nito basta na lamang inilahad ang mga unang araw ng batas militar. Hindi rin naman tayo pinilit na ito ang gawin sa mga ganiton pangyayari. Ginamit niya ang isang pananaw na may espesipikong material conditions at ayon doon ang pinili niyang gawin. Sa aking palagay, naging instrumento lamang ang martial law para ipakita ang pagkasupil ng karapatan at opresyon na maski walang batas militar ay nagaganap.

Mahalagang bigyang diin ang kakayanan bilang indibidwal. Iyon, dala na rin ng kanyang estilo,ay maaaring mamuhay kahit lipasan na ng panahon. Hindi nga bao ang pangungusap na “Man has the right to pursue his own happiness” na panahon pa nila John Locke at pinagpatuloy sa Utilitarianism ni John Stuart Mill sa Inglatera. Ang kaibahan lang ay isinakonteksto sa Pilipinas ito ni Reyes. Hindi tamang dakpin ka nang wala ka namang kasalanan( Gardonet kay Jojo), pero maaari siyang magembestiga ng hindi ka gaanong napipinsala. Magandang binigyan diin niya ng pansin ang estruktura ng pamilyang pilipino. Kailangan mong sumunod sa magulang pero minsan maaari ring hindi kung itatakda ng sitwasyon. Ang ilan rin niyang kritisismo sa relihiyon ay dapat rin nating alalahanin. Marami na ang nagiging masyadong panatiko sa relihiyon at madaling magpadala basta sinabi ng pari at kung sino pa mang preacher. Madaling patakot sa impyerno. Dapat nating alalahanin na tao rin ang mga iyon at maaaring niloloko ka rin. Sa edukasyon, dapat naman tandaan na hindi mga hari't reyna ang mga guro at hindi lamang sa libro at paaralan nakukuha ang kaalaman at tama lang ang sinabi niya sa unang kabanata. “HINDI PORKE KINATATAKUTAN AY NIRERESPETO”.