Si Apolonio “Pol” Medina Jr., ay
isinilang noong Abril 6,1960, at kinikilalang isa sa mga pinakatanyag na
dibuhista sa Pilipinas ngayon. Naging bantog si Medina sa kaniyang mga obrang
gaya ng Pugad Baboy, isang black-and-white
na komik istrip na unang lumabas sa Philippine Daily Inquirer (PDI)
noong Mayo 18, 1988.
Si Pol ay nagtungo sa Iraq sa kasagsagan ng
giyera sa pagitan ng Iran at Iraq nang makapagtapos siya ng kursong Arkitektura
sa Unibersidad ng Sto. Tomas
noong 1983, upang magtrabaho sa isang Italian construction company. Sa
mga panahong inilagi niya sa lugar na iyon, kanyang naranasan ang sinasabi
niyang pinaka-nakababaliw na dalawang taon sa kaniyang buhay.
Taong 1986 nang nagsimula siyang gumawa ng
iskrip at gumuhit para sa Pugad Baboy, isang bagong komiks tungkol
sa isang komunidad at sa isang asong nagngangalang Polgas. Matapos nito ay nagtrabaho naman
siya bilang isang arkitekto sa isang firm sa San Juan, Metro Manila
noong 1987.
Setyembre noong taong 2002, si Pol ay naging
isa sa mga co-founder ng Pugad Baboy Inc., kasama ang pito sa
kaniyang mga kaibigan. Ginamit ng kumpanya bilang motto ang Ad Astra
Per Aspera na inspirasyon dito ang Pulitzer Prize-winning novel ni Harper
Lee na To Kill a Mockingbird. Matapos ang tatlong taon, tuluyang
nagsara ang kumpanya kasabay ng pag-alis dito ni Pol upang magsimula ng isang
bagong karera sa advertising industry.
Simula noong 1988, ang kaniyang istrip ng Pugad Baboy ay inilathala sa Philippine Daily Inquirer
at sa kaniyang 20 koleksyon. Kinilala ng Komikon ang kaniyang husay bilang isang dibuhista nang manalo
siya ng dalawang award noong 2006. Ang kaniyang likhang karakter na si Polgas ay napili bilang Best Character
at si Medina naman bilang Best Humor Artist.
Si Pol ay ikinasal sa kaniyang maybahay na si
Susan at sila ay may tatlong anak: sina Maria Cecilia, Eladio Jose at Pablo
Jose.
No comments:
Post a Comment