Thursday, 14 November 2013

ARALIN 4: Ang may akda ng Ang Kapangyarihan Ng Wika Ang Wika Ng Kapangyarihan



Si Conrado de Quiros (ipinanganak 27 Mayo 1951) ay isa sa mga pinakatanyag na kolumnista at manunulat sa Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang mga matatalim at malikhaing mga komentaryo sa kaniyang kolum na "There's the Rub" sa Philippine Daily Inquirer.


ARALIN 3: La Salle, UST at UP







  
        Sa  mga unibersidad na ito nagturo si Lumbera. Sa Unibersidad de Santo Tomas din siya nagtapos ng kanyang kursong BA Journalism.

          Ang tagalog ng journalism ay pamamahayag na siyang paksa o ideya ng kanyang akda. Ang pamamahayag at ang makabagong paraang ginagamit ng mga tao hindi lamang sa harap ng kamera kundi pati na rin sa pang-araw-araw nating pamumuhay (taglish).
 

Wednesday, 13 November 2013

ARALIN 3: TAGLISH: Hanggang Saan ni Bienvenido Lumbera


 
            Ito ay ang akda ni Bienvenido Lumbera tungkol sa ano nga ba ang TAGLISH at ang mga limitasyon nito. Ganon na rin ang mga bagay na kailangan ng isang “taglish speaker“ para maging tama ang kanyang taglish.

 One day, isang araw
I saw, nakakita
One Bird, isang Ibon
Flying, lumilipad
I shoot, binaril ko
I hit, tinamaan ko
I cook, niluto ko
Natapos ang kuwento



            Kung mapapansin, ang mga salita ay nasa taglish, isang anyo ng pananalita kung saan pinaghalo ang tagalog at ingles, na talaga namang magkaiba. Ang anyo ng pananalitang ito ay siya ring isyu ng akda at ito mismo ang ginamit ni Lumbera sa kanyang akda.
            Ayon sa akda, ang taglish ay hindi lengguwahe kundi isang pamamaraan lamang para mas mapadali ang pananalita ng mga taong sala sa tagalog at sala sa ingles.
            Ganon pa man, ang paggamit ng taglish ay hindi madali. Dapat ay bihasa sa dalawang lengguwahe (tagalog at ingles) ang taglish speaker. Mas hindi bihasa ang mamamahayag, mas magiging hindi malinaw ang kaisipang gustong ihayag.