Thursday, 7 November 2013

ARALIN 2: Tondo






 
Si Reyes ay isinilang sa Tondo noong Hulyo 27, 1974. Ang Tondo ay isa sa mga distrito ng Maynila. Ito rin ay isa sa mga pinakamatandang lugar sa Pilipinas. Bago pa man ang pananakop ng mga kastila sa Pilipinas, ang tundun (tawag sa Tondo noon ) ay nakasulat na sa mapa.
Ang Tondo ay naging kaharian ni Lakandula. Dito din unang naganap ang pagpupulong ng Katipunan
Matatagpuan ito sa may Hilagang-Kanluran ng Maynila. Ito ang pinakamalaking distrito ng Maynila sa lawak na 9.1 km. kuwadrado.




Ang Tondo ay ang lugar ng kapanganakan ng mga sikat na artista tulad nina Dolphy at Angelica Panganiban at mga pulitiko tulad naman nina Joseph Estrada at Manuel Villar, at siyempre ang Ama ng Katipunan, si Andres Bonifacio.


Bagamat maraming sikat na personalidad ang galling sa Tondo, ito pa rin ay isa sa mga pinakamahirap at pinaka-hindi maayos at kaayaayang distrito sa bansa. Dahil na rin siguro sa pagkakaroon nito ng 630,604 na populasyon at kapal ng distribusyong 69,297 sa bawat km. kwadrado.




No comments:

Post a Comment