Nag-aral siya ng BA Journalism sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1954,
at sa Indiana University upang makamit ang masterado sa panitikan noong 1960 at
doktorado sa panitikan noong 1967.
Nagturo si Lumbera ng Panitikan, Araling
Pilipino at Malikhaing Pagsulat sa Ateneo de Manila University, De La Salle
University sa Maynila, Unibersidad ng Pilipinas, at sa
Unibersidad ng Santo Tomas. Siya rin ay naitalagang visiting professor
ng Araling Pilipino sa Osaka University of Foreign Studies sa Japan mula 1985
hanggang 1988. Siya rin ang pinakaunang Asian scholar-in-residence sa
University of Hawaii sa Manoa.
No comments:
Post a Comment